Tanong ko sa iyo...

Noon parati na lang English ang aking blog... Hindi dahil ang blog ko ay tungkol sa taong di nakakainitindi ng Filipino, ngunit hirap ako gumawa ng blog kapag Filipino ang gamit ko, mas sanay kasi akong magsulat sa English. Pero para malaman mo na ikaw ito, ngayon isusulat ko ng Filipino, kahit alam kong hindi naman Tagalog ang language mo kundi ibang dialect ng Pilipinas. 

Tanong ko sa iyo, kung bakit ilang taon na ang nakakalipas ng makita kita, hindi pa rin nawawala ang paghanga sa iyo? Bakit ba ilang taon na tayo hindi nagkita at tila ba na hindi na tayo magkakaayos, ay parang nawala na iyon at tayo'y magkaibigan muli? Bakit ba kahit meron akong ibang natipuhan, ikaw pa rin ang aking tinitibok ng aking puso?

Tanong ko sa iyo, bakit kaya? Bakit kaya muli tayong pinagtagpo ng panahon? Bakit kaya tayo nagkasundo? Bakit kaya tayo muling masaya sa isa't isa bilang kaibigan? Bakit kaya sa dinami dami ng nagdaan, hindi pa rin kita nakakalimutan?

Tanong ko sa iyo, kung bakit hindi ako nagsasawang suyuin kita kahit pakiramdam ko ay hindi tayo magkakatuluyan? Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Bakit ba hindi na ikaw maalis sa aking pag-iisip? Bakit hindi kita binibigyan ng message, parati kong tinitingnan ang usapan natin? 

Tanong ko sa iyo, mahirap ba akong mahalin? Ano ba ang aking gagawin para malaman mo na ang pakay ko ay hindi lang maging kaibigan mo kundi maging tayo? Bakit kahit alam mo ang aking pakay, parang tahimik ka pa rin at walang kibo? Hindi mo ba alam na seryoso ako sa iyo? Hindi mo ba alam na ikaw ang tinitibok ng puso ko?

Alam ko meron akong natanong sa iyo nang nakaraang buwan tungkol sa babae, ngunit alam mo ba na nagtatalo ang isip ko kasi alam ko na ikaw naman talaga ang tinitibok nito at bakit ko pa na itanong sa iyo iyon? Alam mo ba tinanong ko iyon para malaman mo na pag ako ay pumasok sa isang relasyon ay seryoso ako?

Oo, ikaw! Ikaw ang aking kinakausap. Alam mo ikaw ito... Sayang lang at hindi rin naman tayo magkakatuluyan. Masakit man isipin, masaya pa rin kasi kaibigan pa rin ang turing mo sa akin. Tanong ko sa iyo... Alam mo ba na ikaw ito?



Comments

Popular Posts