Sana Tayo Na Lang Dalawa
Bakit ba naman minahal kita kahit meron kang iba. Alam ko naman na mahal mo siya at ako ay kaibigan lamang. Hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ang puso ko sa iyo. Hindi ko alam na mapapaibig mo ko. Bigla na lang kitang hanap hanap, araw araw sa dahilang hindi ko alam.
Sa konting biruan ay nauwi sa seryoso kong damdamin. Inaamin ko na hindi na kita maalis sa aking isip. Sa paggising at pagtulog ko ikaw ang nasa isip. Pero sa bawat tibok ng puso ko ay siya ring sakit dahil meron kang ibang mahal.
Ang tanong ko lang, sinayang ko lang ba ang panahon ko sa pagibig sa iyo, iniisip ko rin na kung kayong magkahiwalay ng landas, ika'y mapapaakin na. Mahirap man isipin, pero ikaw ang nasa aking damdamin. At kung maglaho nga ang pagibig mo sa kanya, ako ba ay iyong mamahalin.
Kahit hindi mo ibalik ang iyong pagmamahal, masaya pa rin ako dahil ikaw ay hindi lumalayo sa akin, bagkus ikaw ay napapalapit sa akin. Masaya ako dahil hindi ka nagiging malamig sa akin, kahit alam mo namang minamahal na kita kahit ikaw ay may mahal ng iba.
Sana tayo na lang dalawa, sana mahalin mo rin ako, sana paglipas ng panahon ikaw at ako ay magiisa. Hindi kita pipilitin, pero ang masasabi ko lang ay kahit na gaano katagal ang tamang panahon sana tayong dalawa ay magkatabi sa pagharap sa altar. Pero bago yun ay kung pwede bang mahawak ang iyong kamay at itanong kung pwede maging tayo na lang.
Comments
Post a Comment
thanks for dropping by! your comments are welcome...